Political Dynasty
Sa panahon ngayon, marami ang
nagaganap na iisang pamilya lamang ang namumuno sa isang bansa o bayan. Ang mga
mamamayang pilipinong tulad ko ay hindi sumasang-ayon ditto, sapagkat ito ay
hindi nagdudulot ng mabuti sa ating bansa bagkus nagdudulot ng korapsyon dahil
sa pagtutulong tulong ng mga politiong pamilya sa gobyerno. Ang political
dynasty ay maaaring iugnay sa monopolyo kung saan isang pamilya lamang ang
namumuno sa isang lugar.
Isa sa maaaring halimbawa ng
political dynasty sa kasalukuyan sa ating bansa ay ang pamilyang Robredo kung
saan makikita nating nagsisimula pa lamang.Kung sa pagdaan pa ng mga panahon at
henerasyon ay kasama pa rin sa gobyerno ang pangalang Robredo, ito ay isang halimbawa
ng political dynasty. Ang kagandahan ng pagkakaroon ng political dynasty sa
isang bansa ay maaaring angkinin ng mga susunod na myembro ng pamilya ang
talino at galing na nanggaling sa mga naunang myembro ng kanilang pamilya dahil
maaari itong magdulot ng kaunlaran sa ating bansa.
Ayon sa aking pananaliksik may
nabasa akong katagang tumatak sa aking isipan, “Isa lang kada angkan, iba
naman, hindi family business ang gobyerno”, kung saan ito ay tumutukoy sa pag
iwas sa political dynasty sa ating bansa. Isa rin sa nabasa ko sa aking
pananaliksik ay “Political Dynasty is a Corruption” na nagsasabing kadalasan sa
panahon ngayon ay nangyayari ang political dynasty sa paghahangad ng pera ng
isang mamamayan na nagiging korapsyon dahil sa higit na pagnais, at ipapasa sa
kanyang pamilya upang mapanatili ang yaman na nakukuha niya.
Minsan, naiisip ko na ang mga
mamamayan ang pag-asa ng bayan upang magkaroon ng maunlad na bansa.
Kinakailangan nating lumaban upang maiwasan ang polirical dynasty sa ating bansa.
Ang political dynasty ay minsang hindi nagdudulot ng mabuti lalo na kung ang
mga namumuno ay sakim. Minsa’y nakakalungkot sapagkat may batas na nagbabawal
sa political dynasty sa ating bansa ayon sa (1987, Constitution, Article 2
Seksiyon 6) ngunit ang mga mambabatas mismo ang syang sumusuway sa batas na
ito. Naniniwala ako sa kasabihang “a good leader is a good follower”, kung saan
kailangang ang isang pinuno ay masunurin upang maging huwaran at tularan ng
kanyang mga mamamayan.
Kung makikita sa ating bansa ngayon,
hindi nakakabuti ang political dynasty, sapagkat paggamit ng pangalan ng mga
kamag-anak ang nangyayari upang manalo sa halalan kung saan hindi tama o pantay
ang laban. Maraming masasamang epekto ang naidudulot ng political dynasty sa
atting bansa katulad ng pag-abuso sa kapangyarihan, kung saan parang negosyo
lamang ng isang pamilya ang pamumuno sa isang pamahalaan. Marami ding nababago
sa ating ekonomiya katulad na lamang ng paghina ng check and balances.
Sa panahon ngayon, nananatili ang political
dynasty sa ating bansa dahil sa kayamanan, kahusayan, at katanyagan na
inaasahan ng mga mamamayan. Isa din sa dahilan ng pananatili nito ay ang
kakulanagan ng nakalap o nalamang impormasyon ng mga mamamayang boboto na
nakakaapekto sa dadating na halalan. Maaari ding isang dahilan nito ay ang mga
patronage politics, kung saan nagbibigay ng mga material na bagay ang mga
politico kadalasan ay pera upang sila ay iboto, o tinatawag na pagbibili ng
boto. Binabayaran minsan ang mga mamamayan upang iboto ang politico sa halalan.
Minsan ang dahilan nito ay ang kakulangan sa mapanuring pag iisip, kung saan
hindi iniisip ng mga mamamayang bobotokung ano ang magiging epekto kapag nanalo
ang politikong kanyang binoto. Kailangan nyanga malaman at isipin kung mabuti
ba ang naidudulot nito sa ating ekonomiya at bansa o korapsyon lamang.
Hindi nagiging madali para sa
pamahalaan ang pagpapatupad ng batas dahil sila misamo ang lumalabag dito. Isa
sa halimbawa ng political dynasty sa ating bansa ay ang pamilya ng mga Estrada
kung saan hanggang ngayon ay kilala pa rin ang kanilang pangalan dahil sa
patuloy nilang pagtakbo sa politika.
Ang political dynasty ay
nagpapatunay na nais nilang mapanatiling kilala ang kanilang pangalan upang
patuloy na mahalal sa pagdaan ng mga henerasyon dahil sa kanilang katanyagan.
Nais nilang mapanatili ang kapangyarihan sa kanilang pamilya. Ang kadalasang
dahilan ng political dynasty ay ang pangungurap o korapsyon, sapagkat kung nais
mo naming tumulong sa pamumuno sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay hindi na
kinakailangang tumakbo ng iyong mga kamag-anak.
Kung iisipin, kapag nangugurap o
korap ang isang politico o isang pamilya sa politika, sa isang pamilya lamang
umiikot o napupunta ang pera ng mga mamamayan. Kaya dapat bago tayo magdesisyon
o magpasya sa ating gagawing aksyon ay alamin muna natin ang magiging epekto o
maidudulot nito sa atin, makabubuti ba o makakasam. So vote wisely!